^

Metro

Misis hinostage ni mister

-
Dahil sa sobrang kalasingang tinamo dahil sa paglalaro ng tong-its nagawang i-hostage ng isang mister ang kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas.

Lasing na lasing pa ang suspect na nakilalang si Ernesto Macaroyo makaraang sumuko sa mga awtoridad matapos ang mahigit sa isang oras na negosasyon.

Base sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa sa 13 Jasmine St., Dana Manuel Subdivision, Pamplona 3 Las Piñas City.

Nabatid na bago naganap ang insidente, nakipaglaro ng tong-its ang suspect sa nakababatang kapatid nito na si Evelyn at sa nobyo nito, kung saan iinom ng alak ang matatalo.

Nadalas ang pagkatalo ng suspect kung kaya sumobra ang kalasingan nito.

Matapos ang laro ay kinausap ito ng kanyang misis tungkol sa kanilang pagkakautang na ikinagalit ng suspect.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa hanggang sa bigla na lamang kumuha ng patalim ang mister at tinutukan ang misis at saka hinostage.

Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad subalit inabot pa ng mahigit sa isang oras bago tuluyang napahinuhod ang suspect at sumuko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DAHIL

DANA MANUEL SUBDIVISION

ERNESTO MACAROYO

EVELYN

JASMINE ST.

LAS PI

LORDETH BONILLA

MABILIS

MATAPOS

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with