Ayon kay Anna (hindi tunay na pangalan) ng G. Tuazon St., Sampaloc, inutusan umano siya ng isang kilalang tulak ng droga sa kanilang lugar na nakilala lamang sa pangalang Mando na siya ang mag-aabot ng shabu sa mga bibili.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi nang mamataan ang bata na may bitbit na shabu na nakalagay sa maliit na plastic sachet sa Craig St., Sampaloc, upang ibenta ito sa mga adik sa kanilang lugar at dahil dito kung kayat kaagad itong inaresto.
Sinabi naman ng pulisya na mga bata at menor-de-edad na ngayon ang inuutusan ng mga drug pusher upang magbenta ng droga upang hindi sila mahalata ng mga awtoridad na may dalang droga.
Sa kabila nito, patuloy namang inaalam ng pulisya kung sino ang Mando na tinutukoy ng bata na siyang nag-utos sa kanya na magbenta ng illegal na droga.
Samantala, kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng Women and Childrens Concern Desk ang bata at nakatakdang i-turn-over sa DSWD. (Ulat ni Gemma Amargo)