PBA player Andy Seigle inireklamo ng pambubugbog
July 24, 2003 | 12:00am
Dahil lamang sa simpleng gitgitan sa trapiko, isang Fil-Am player sa Philippine Basketball Association (PBA) ang inireklamo ng pambubugbog, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Kasalukuyang iniimbestigahan sa Makati City Police ang player na si Andrew John "Andy" Seigle, manlalaro ng Purefoods at residente ng Valle Verde 5, Pasig City.
Samantala, nilalapatan naman ng lunas sa Makati Medical Center ang sinasabing biktima nito na si Allan Bangko, isang medical intern at naninirahan sa Luna St., Corinthian Garden, Quezon City na nagtamo ng mga sugat, pasa at bukol sa katawan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Juancho Ibis, may hawak ng kaso na naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa may P. Burgos St., Barangay Poblacion ng nasabing lungsod.
Nabatid na si Seigle ay lulan sa isang sasakyan kasama ang isang American friend na si Dales Long, ng Wack Wack Twin Tower, Mandaluyong City nang makagitgitan sa isang intersection ang sasakyan naman ni Bangko na noon ay kasama naman ang isang Cesar Peralta.
Iniulat na kapwa hindi nagbigayan ang magkabilang panig hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa bugbugan.
Itinatanggi naman ng abogado ni Seigle na kasama sa suntukan ang kanyang kliyente, subalit sinabi naman ng panig ni Bangko na may mga testigo na nakita itong sumuntok sa biktima.
Matapos na magsampa ng kasong physical injuries si Bangko ay nagharap din naman ng counter charge ang kampo ni Seigle.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended