4 holdaper dedo sa pulis
July 22, 2003 | 12:00am
Apat na pinaniniwalaang mga kilabot na holdaper ang napatay makaraang makipagpalitan ng putok sa mga kagawad ng pulisya kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Ayon kay Supt. Felipe Rojas, hepe ng Marikina City police na isa pa lamang sa mga nasawing suspect ang nakikilala, ito ay si Emiliano Elalne, 49, ng Quezon City na umanoy siyang nagmamaneho ng sasakyang ginamit ng mga suspect. Inaalam pa ang pangalan ng tatlo pa nitong nasawing kasamahan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw sa kahabaan ng J.P. Rizal St., Barangay Concepcion ng nasabing lungsod.
Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol sa isang grupo ng kalalakihan na nakasakay sa isang puting Toyota Corolla Taxi na may tatak na Roment na pawang mga armado at may kahinahinalang kilos.
Agad na nagsagawa ng checkpoint ang SWAT team ng Marikina police hanggang sa masabat ang naturang taxi na sinasakyan ng mga suspect.
Pinara ito ng mga awtoridad subalit imbes na huminto ay pinaulanan ng putok ng baril ang mga pulis. Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na makipagpalitan ng putok sa mga suspect na ikinasawi ng mga ito.
Narekober ng pulisya ang mga gamit na baril ng mga nasawi na pinaniniwalaang nagbabalak magsagawa ng panghoholdap sa naturang lugar.(Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended