Jinggoy hindi sumipot sa hearing nila ni Goma
July 22, 2003 | 12:00am
Hindi sumipot si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada para sa preliminary investigation kahapon sa kasong isinampa laban sa kanya ng kapwa niya aktor na si Richard Gomez.
Ayon sa abogado ni Estrada na si Atty. Dennis Annover hindi nakadalo ang kanyang kliyente dahil hindi pa rin magaling ang sprain nito sa paa.
Pinagbigyan rin ni City Prosecutor Lorne Lee ang kahilingan ni Annover na dagdagan ang panahon para sa paggawa nila ng counter-affidavit.
Itinakda ni Lee ang susunod na hearing sa Agosto 4.
Nabatid na nagsisimula na ang pagdinig sa kaso ng dumating si Gomez dakong alas-2:15 ng hapon.
Magugunitang sinampahan ni Gomez ng kasong slander of deed, grave threat, physical injury at oral defamation ang batang Estrada matapos magkainitan at magkasakitan sa naganap na Star Olympics kamakailan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended