Doktor inireklamo ng pasyente
July 21, 2003 | 12:00am
Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang propesyon ng isang OB-Gyne ng Rizal Memorial Center matapos itong ireklamo ng medical malpractice ng kanyang pasyente, kamakalawa sa Pasig City.
Batay sa ulat ng pulisya, inireklamo ni Jhoanne Abu Soledad, 16, ng Pateros, Metro Manila si Dra. Evangeline Moreno dahil sa umanoy hindi pagturok nito ng anesthesia sa kanya bago siya pina-anak nito dakong alas-3 ng madaling-araw.
Naramdaman umano ng biktima ang matinding sakit ng kanyang puwerta nang tahiin ito dahilan upang maghinala ito na hindi siya naturukan ng pampamanhid na ipinabili sa kanya ng huli.
Dahil umano sa labis na sakit na kanyang nadama sa pagtusok at paghila ng sinulid ay hindi niya sinasadyang matadyakan ang doktora.
Maliban dito, nang idaan umano siya sa internal examination kung saan sa halip na idahan-dahan umano ng doktora ang pagpasok ng kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan ay binigla nito na parang naghihiganti sa nagawa niyang pananadyak.
Bunsod nito ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kung may pagkukulang nga ang inireklamong doktora base sa naging akusasyon ng kanyang pasyente. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended