Trabahador ng pahayagan nahulog mula sa 3rd floor, grabe
July 21, 2003 | 12:00am
Isang kawani ng Philippine Daily Inquirer (PDI) ang nasa kritikal na kondisyon makaraang mahulog ito mula sa ikatlong palapag sa gusali ng naturang pahayagan, kahapon ng umaga sa Makati City.
Comatose sa Makati Medical Center (MMC) ang biktima na si Nestor Macusi, ng 23 Pagkakaisa Compound, Visayas Ave., Culiat, Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 kahapon sa mismong gusali ng PDI sa kahabaan ng Pasong Tamo St., nabanggit na lungsod.
Nabatid na kasalukuyang nagkakabit ng papel ang biktima sa labas ng kanilang gusali nang biglang bumigay ang kinakapitan nitong bakal hanggang sa bumagsak ito sa ground floor.
Nabatid na unang bumagsak sa sementadong sahig ang mukha ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended