Binata patay sa duwelo
July 21, 2003 | 12:00am
Isang 24-anyos na binata ang nasawi habang nasa kritikal na kondisyon naman ang isa pa matapos na mag-duelo ang mga ito sa pamamagitan ng kutsilyo, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Butas ang dibdib at patay na nang idating sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang una na kinilalang si Ricky Ecto, residente ng Blk. 3 Lot 99, Pook Libis, Brgy. U.P. Campus ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Quezon Memorial Medical Center (QMMC) ang naka-duelo nito na Rodel Obel, 21-anyos, isang aircon technician at kapitbahay ng biktima.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Greg Maramag ng Central Police District -Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa isang eskinita malapit sa bahay ni Obel.
Nabatid na galing sa inuman ang huli at nang pauwi na ito ay biglang humarang sa kanyang daraanan si Ecto at ilang kasamahan nito.
Sa di-mabatid na kadahilanan ay bigla na lamang umano humugot ng patalim ang nasawi at agad na inundayan ng saksak si Obel na nagawa namang agawin ang armas at niresbakan ng saksak ang una.
Kapwa isinugod sa pagamutan ang mga ito subalit hindi na naisalba pa ang buhay ni Ecto dahil sa tinamo nitong malalalim na tama ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended