Bus bomber pinawalang sala ng korte
July 19, 2003 | 12:00am
Pinawalang sala ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang double murder case laban sa umanoy utak sa pambobomba sa isang bus Balintawak noong nakaraang taon.
Sa isang pahinang desisyon, sinabi ni QCRTC Judge Monina Zenarosa ng branch 76, pinaboran niya ang motion to dismiss na isinampa ng legal counsel ng akusadong si Jerry Minalang, 37, construction worker ng Libis, Quezon City makaraang mabigo ang mga principal witness na sina Julius Sayson at Jocelyn Cruz na dumalo sa mga pagdinig sa korte.
Ayon kay Atty. Ernesto Francisco, abogado ni Minalang na dahil sa wala namang mga saksi tuwing hearing, may karapatan ang kanyang kliyente para sa mabilis na pagtatapos sa kaso. Gayunman, hindi pa rin libre sa double murder case na ito ang akusado dahil sa anumang oras ay maaaring muling mabuksan ang kaso sakaling may lumutang na mga pangunahing testigo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended