^

Metro

Huling quadruplets namatay na rin

-
Nasawi na rin ang isa sa quadruplets na nakikipaglaban sa kamatayan matapos na bumigay ang mahinang katawan nito sa pagamutan, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Jocelyn Calisaan, ina ng sanggol na pinangalanang Jobel, hindi na nag-response ang katawan ng kanyang anak na inilagay sa incubator sa Fabella General Hospital.

Naging maramdamin din ang pagkamatay ng sanggol dahil inaasahan ng mga manggagamot na makakaligtas ito sa kamatayan dahil lumakas pa umano at nagpakita ng kakayahang mabuhay bago tuluyang pumanaw.

Nabatid na dakong alas-11 ng gabi nang tuluyang bumigay si Jobel at ngayo’y nakalagak ang bangkay sa Floresco Funeral Homes, Caloocan City.

Dahil sa pangyayaring ito, lalo namang nagpursige ang pamilya ng quadruplets na ituloy ang laban sa pamunuan ng Manila Central University Hospital (MCUH) na sinisisi sa pagkamatay ng mga sanggol.

Napag-alaman na nakatakdang lumapit sa gobyerno ang pamilya Calisaan upang maparusahan ang pamunuan ng MCUH na nagkait sa quadruplets ng tamang medikasyon upang mabuhay ang mga ito. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

CALISAAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

FABELLA GENERAL HOSPITAL

FLORESCO FUNERAL HOMES

JOBEL

JOCELYN CALISAAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with