Engineering Student Nagbaril Sa Sarili Matapos Iwan Ng Gf

Isang engineering student ng Mapua Institute and Technology ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili makaraang hiwalayan ng kanyang kasintahan, kamakalawa sa Las Piñas City.

Patay na nang idating sa Perpetual Medical Center ang biktima na nakilalang si Bernard John Gaza, 22, ng Angela Village, Barangay Talon ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang makarinig sila ng putok galing sa kuwarto ng binata at nang kanila itong tingnan ay nakita nilang nakahandusay na si Gaza habang nasa kamay nito ang isang kalibre .22 na baril.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na labis na dinamdam ng binata ang ginawang pagkikipag-break sa kanya ng kanyang kasintahan kaya naisipan nitong magpakamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments