3 anak sinaksak pala ng tatay bago nagpakamatay
July 17, 2003 | 12:00am
Biglang nabago ang sentro ng imbestigasyon sa napaulat na minasaker na mag-aama sa Quezon City noong nakalipas na Lunes ng madaling- araw.
Lumalabas sa isinagawang follow-up investigation na mahina ang ebidensiyang minasaker ang mag-aama kundi pinagsasaksak muna ng ama ang kanyang tatlong anak na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng isa at saka ito nagsaksak sa sarili.
Ayon kay SPO4 Roger Yalung, hepe ng Intelligence Unit ng CPD-CIU palalayain nila anumang oras ang naunang dinakip na suspect na si Edwin Abalos dahil sa wala silang sapat na ebidensiya laban dito.
Magugunitang sa naturang insidente nasawi ang mag-aamang sina Gil Mabulac, 30, at mga anak na sina Cris Paul, 10, at Gil Jr., 4, sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Mendez Road, Quezon City.
Himalang nakaligtas sa insidente ang isa pang anak na si Gil Jane, 12.
Unang itinuturong suspect si Abalos subalit nang iharap ito sa survivor na si Gil Jane ay hindi niya ito kinilala.
Ayon sa pulisya magkaiba din ang hand writing ng biktima sa sulat ng krayola sa sahig na nagsasabing si Abalos ang siyang salarin.
Batay sa salaysay ng biktima, naalimpungatan siya noong Lunes ng umaga nang makita niyang kamukha ng kanyang ama ang sumaksak sa kanyang mga kapatid na nasa tabing kama.
Bago ito, sinabi ni Gil Jane na sinabihan siya ng kanyang ama na: "Alam ko anak pagod na pagod ka na, gusto mo nang magpahinga".
Sa kabila nito, hindi pa rin naman inaalis ng pulisya ang unang anggulong pagpatay sa mga biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended