^

Metro

Jailbreak uli: 7 nakapuga

-
Hindi pa man lumalamig ang balita tungkol sa kontrobersiyal na pagkatakas ng pangunahing suspect sa Rizal Day/ LRT bombing ng international terrorist na si Fathur Al-Ghozi kasama pa ang dalawang bomb expert ng bandidong Abu Sayyaf, pito na namang preso ang iniulat na tumakas mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at Davao Penal Colony, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni NBP Supt. Francisco Abunales, nakilala ang pumugang mga preso na sina Arnold Buda at Mark Anthony Pascua, kapwa may kasong robbery at nakapiit sa medium security compound ng Bilibid.

Samantala, tumanggi namang ibigay ng tanggapan ni Bureau of Corrections Director Diomedes Santiago ang mga pangalan ng lima pang preso na tumakas naman sa Davao Penal Colony.

Sa naganap na pagtakas sa Bilibid, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na inutusan ni Prison Guard William Corpuz, sina Buda at Pascua na gumawa ng kanyang bahay na malapit lamang sa naturang kulungan dakong alas-8 ng umaga.

Sandaling iniwan ni Corpuz ang nabanggit na mga preso at pagbalik nito dakong alas-6:30 ng gabi ay wala na ang mga ito.

Wala namang malinaw na ulat kung paanong nakapuga ang limang bilanggo sa Davao Penal Colony. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ABU SAYYAF

ARNOLD BUDA

BILIBID

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR DIOMEDES SANTIAGO

DAVAO PENAL COLONY

FATHUR AL-GHOZI

FRANCISCO ABUNALES

LORDETH BONILLA

MARK ANTHONY PASCUA

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with