Sa ulat ng CPD-Criminal Investigation Unit, nakita ng isang residente ang mismong katawan ng biktima bandang alas-11 ng gabi sa kanto ng Sct. Fuentabella at Sct. Torillo, Brgy. Sacred Heart, ng nasabing lungsod habang nakasilid sa dilaw na sako.
Samantala, hinihinala naman ng pulisya na itoy bahagi pa rin ng isinagawang summary execution ng grupong vigilante laban sa mga taong sangkot sa iligal na droga.
Magugunitang kamakailan ay natagpuan din ang isang kaliwang paa sa #24 Violeta St., Sta. Mesa, kanang paa sa Proj. 4 at dalawang kamay ng babae sa Lupang Pangako, Brgy. Payatas na ikinalat sa mga lugar sa Quezon City.
Nabatid na ang natagpuang katawan ng chop-chop victims ay dinala sa PNP crime laboratory para sa masusing imbestigasyon. (Ulat ni Angie dela Cruz)