^

Metro

Biktima uli ng chop-chop natagpuan sa QC

-
Hinahanap pa rin ng mga awtoridad ang pugot na ulo ng lalaking pinagputul-putol ang katawan na natagpuan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng CPD-Criminal Investigation Unit, nakita ng isang residente ang mismong katawan ng biktima bandang alas-11 ng gabi sa kanto ng Sct. Fuentabella at Sct. Torillo, Brgy. Sacred Heart, ng nasabing lungsod habang nakasilid sa dilaw na sako.

Samantala, hinihinala naman ng pulisya na ito’y bahagi pa rin ng isinagawang summary execution ng grupong vigilante laban sa mga taong sangkot sa iligal na droga.

Magugunitang kamakailan ay natagpuan din ang isang kaliwang paa sa #24 Violeta St., Sta. Mesa, kanang paa sa Proj. 4 at dalawang kamay ng babae sa Lupang Pangako, Brgy. Payatas na ikinalat sa mga lugar sa Quezon City.

Nabatid na ang natagpuang katawan ng chop-chop victims ay dinala sa PNP crime laboratory para sa masusing imbestigasyon. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CRUZ

FUENTABELLA

HINAHANAP

LUPANG PANGAKO

MAGUGUNITANG

QUEZON CITY

SACRED HEART

VIOLETA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with