^

Metro

1 pang laboratoryo ng shabu nadiskubre sa Parañaue

-
Tinatayang limang milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya matapos na madiskubre ang isa pang shabu laboratory na pag-aari umano ng isang Taiwanese national, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Janson Rodriguez ng Branch 78, ng Parañaque City Metropolitan Trial Court, dakong alas-9 kahapon ng umaga nang salakayin ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang factory ng shabu na matatagpuan sa 25 New York St., Barangay Merville Subdivision.

Ayon sa ulat ang naturang laboratoryo ng shabu ay pag-aari ng isang Benito Sy, alyas Ben.

Nadiskubre ang naturang paggawaan ng shabu makaraang inguso ito mismo ng katiwalang si Michael Fandag, 20.

Natagpuan sa nadiskubreng shabu laboratory ang humigit-kumulang sa limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limang milyon, mga chemical na ginagamit sa paggawa ng naturang droga at mga makinarya.

Si Fandag ay unang nadakip sa isinagawang operasyon sa Cavite area kamakailan lamang kung saan isa ring shabu laboratory ang nadiskubre doon.

Magugunitang sinalakay din ng pulisya ang isa pang shabu lab sa 277 Impex Compound, Real St., Barangay Pamplona 3, Las Piñas City, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi.

Nabatid na ito ay nakapangalan din kay Ben Sy kung saan noong Hulyo 10 lamang ito lumipat sa naturang lugar.

Napag-alaman pa na ang naturang mga makinarya at kemikal ay naipuslit umano sa Bureau of Customs noong Hulyo 7 mula sa bansang China. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BARANGAY MERVILLE SUBDIVISION

BARANGAY PAMPLONA

BEN SY

BENITO SY

BUREAU OF CUSTOMS

CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE JUDGE JANSON RODRIGUEZ

HULYO

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with