Opisyal ng TF Jericho nahulihan ng carnap na sasakyan
July 15, 2003 | 12:00am
Isang opisyal sa Task Force Jericho sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dinakip ng mga kapwa niya pulis matapos mahulihan ng karnap na sasakyan, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang suspect na si Inspector Rolando Columna, 50, aktibong miyembro ng TF Jericho. Narekober dito ang isang karnap na puting Toyota Tamaraw FX, dalawang pekeng plaka at isang improvised key.
Batay sa ulat, nawala ang naturang FX na ang orihinal na plaka ay UJT 530 at pag-aari ni Ramil Vitto, 32, isang engineer ng Barangay Hagdang Bato, Mandaluyong City noong nakalipas na Hulyo 8 ng taong kasalukuyan na agad naman niyang inireport sa pulisya.
Kamakalawa ay nakatanggap ng impormasyon ang Mandaluyong Police na nakitang gumagala ang naturang sasakyan sa may Bacoor, Cavite kaya agad na bumuo ng isang team ang pulisya at tinungo ang lugar.
Nasakote ang naturang pulis dakong alas-10 ng gabi habang papasakay ito sa FX matapos kumain sa isang food chain.
Depensa ng suspect recovered vehicle umano ang naturang sasakyan, gayunman sinabi ng Mandaluyong pulis na bakit hindi niya ito sinusurender.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Columna. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended