Tulak ng droga tinadtad ang bala
July 14, 2003 | 12:00am
Onsehan sa droga ang tinitingnan na anggulo ng mga operatiba ng Central Police District Office matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang lalaki kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dead-on-the spot ang biktima na nakilalang si Valeriano Balarag, 45, ng 15 Sampaguita St. Brgy. Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City makaraang magtamo ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Jun Mortel ng CPD-Criminal Investigation Unit, dakong alas-5 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Francisco Compound, sa nabanggit ding barangay.
Kasalukuyang nagpapatrolya ang mga tanod nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at ng kanilang tunguhin ang lugar ay nakita na lamang nilang nakabulagta ang biktima at naliligo sa kanyang sariling dugo.
May hinala ang pulisya na may kinalaman sa droga ang pagkakapaslang sa biktima dahil ito ay kilalang pusher sa lugar. (ULat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended