Ex-army arestado sa marijuana
July 14, 2003 | 12:00am
Isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) ang naaresto ng mga tauhan ng Antipolo Police matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng marijuana sa isinagawang buy bust operation kahapon ng umaga sa Antipolo City.
Nakilala ang suspect na si Eduardo Patinggo, 42, may asawa at dating nakatalaga sa 6th Infantry Battalion ng PA sa Cotabato City at naninirahan sa Sitio Ahon San Lorenzo Ruiz, Brgy.San Roque ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpanggap na buyer ng marijuana sa halagang P50 ang isang pulis dakong alas 2:15 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ng suspect.
Habang iniaabot ang marijuana, nakatunog ang suspect kung kayat tinangka pa nitong tumakbo subalit agad din namang nasakote.
Nakuha din sa suspect ang tatlong supot ng marijuana, 195 piraso ng bala ng M-14 armalite, isang rifle grenade at ilang shabu paraphernalia. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended