Ito ang babala ni Sec. Mike Defensor, chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa isinagawang demolisyon ng ilegal na mga bahay ng may 2,000 pamilya sa University of the Philippines Arboretum, sa Commonwealth Ave., QC.
Ang lupang nilisan ng squatters ay pag-aari ng UP at diumano ay inilaan ng UP Board of Regents na gagamitin bilang Science and Technology Park.
Ang mga pinaalis na pamilya ay iniulat na bumili ng mga lote mula sa isang Abdulraof Dimaporo. Si Dimaporo kamakailan ay idineklarang isang squatting syndicate ng Presidential Task Force sa Professional Squatters at Squatting Syndicates.
Pininturahan ni Dimaporo ang mga bakod na may takip na yero ng salitang Dimaporo property.
Ayon kay Sec. Defensor, hepe ng task force, "kung hindi ito inaksyunan ngayon, ang mga ilegal na squatter dito ay darami at di na makokontrol." Nang huling gibain ang mga bahay dito noong nakaraang Abril, mga 600 na pamilya lamang ang nakatira dito na ngayon ay lumobo na sa 2,000 pamilya.