^

Metro

DH na misis tinodas ni mister bago nagbigti

-
Isang kahindik-hindik na ‘love tragedy’ ang naganap kahapon ng umaga sa Caloocan City kung saan unang pinatay ng isang 40-anyos na pintor sa pamamagitan ng sakal ang kanyang misis na isang domestic helper (DH) sa Singapore na kauuwi lamang sa bansa at pagkaraan nito ay nagpakamatay din ang una sa pamamagitan naman ng pagbibigti makaraang manibugho ito sa kanyang misis.

Kapwa wala nang buhay nang matagpuan ng kanilang mga anak ang mag-asawang sina Bienvenido Samoranos at Cecilia de Chavez-Samoranos, 34, kapwa ng Phase 8-A Package 7, Block 14 Lot 6-B, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Base sa nakalap na impormasyon, dakong alas-8 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Si Cecilia ay may mga pasa at bukol sa mukha at katawan habang may marka ng sakal sa leeg na naging dahilan ng pagkasawi nito samantalang si Bienvenido ay may nakatali pang sinturon sa kanyang leeg.

Ayon sa ilang kapitbahay, huli umano nilang narinig na nagsisigawan ang mga ito sa pagitan ng alas-2 at alas-3 ng madaling-araw sa itaas ng bahay ng mga Samoranos.

Pilit umanong sinisilip ng mga kapitbahay ang nangyayari sa loob ngunit wala umano silang makita dahil patay ang ilaw sa ibaba ng tahanan ng mga ito.

Narinig pa umano nilang nanghihingi ng tulong si Cecilia ngunit hindi naman magawang makapasok ng mga ito dahil naka-lock ang pinto bukod pa sa pag-iisip na away mag-asawa lamang ang namamagitan sa mga ito.

Nadiskubre lamang ang bangkay ng mag-asawa nang magtungo sa bahay ng mga ito ang pamangkin ni Cecilia na hindi binanggit ang pangalan.

Sinabi pa ni PO2 Guerrero, may hawak ng kaso, nang walang sumasagot sa loob ay napilitang manghingi ng tulong ang pamangkin ni Cecilia sa mga barangay tanod na nagpuwersang mabuksan ang pinto.

Nagulat ang mga ito nang makitang kapwa wala nang buhay ang mag-asawa habang nagkalat ang ilang gamit sa ikalawang palapag ng bahay.

Nabatid naman sa ilang kaanak ni Bienvenido na minsan na umanong sinabi nito na madalas silang magtalo ng kanyang asawa dahil hindi na umano niya ito pinapayagang bumalik sa Singapore dahil sa hinalang may iba itong ka-relasyon doon.(Ulat ni Rose Tamayo)

A PACKAGE

BAGONG SILANG

BIENVENIDO

BIENVENIDO SAMORANOS

CALOOCAN CITY

CECILIA

NANG

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with