Bandang alas-4 ng hapon kahapon nang ibaba ni Manila RTC Judge Reynaldo Alhambra ng Branch 53 ang kanyang 5-pahinang desisyon na nag-aatas na palayain si Lumbao mula sa piitan ng Manila City Jail.
Pinaglagak si Lumbao ng korte ng P300,000 bilang piyansa sa kaso nitong rebelyon nang pasimulan nito ang paglusob sa Malacañang na tinawag na EDSA Tres.
Nagalak naman si Bautista sa aksyon ng korte sa inihain niyang petisyon na aniya, isang legal na hakbang ng huwes dahil malinaw na magiging unfair ang korte kapag hindi pinayagang makapagpiyansa si Lumbao dahil nauna nang pinayagan si dating Sen. Juan Ponce Enrile na isinabit din sa kasong rebelyon noong May 2001. (Ulat ni Gemma Amargo)