Pulis-Caloocan kinasuhan ng panghoholdap
July 12, 2003 | 12:00am
Nasa hot water ngayon ang isang pulis ng Caloocan City matapos itong arestuhin ng pulisya bunga ng kasong iniharap ng kanyang hinoldap sa Valenzuela City.
Nakakulong ngayon si PO3 Leandro Sungkuan, 39, may asawa at nakatira sa Vista Verde, C.C. matapos na kilalanin ng kanyang hinoldap na si Exequiel de Vera, 33, negosyante at residente ng Brgy. Capalangan, Apalit, Pampanga.
Sa record ng pulisya, hinoldap ng suspect ang biktima noong Hulyo 6 dakong alas-11 ng umaga sa harap ng Metro Bank, Marulas branch.
Matapos na makuha ang pera mula sa biktima, mabilis na sumakay ng motorsiklo ang suspect kasama ang isa pang hindi nakikilalang lalaki.
Dahil dito, agad na nagreport sa pulisya ang biktima at hindi nito akalain na makikita niya sa file photo ng mga pulis-Valenzuela si Sungkuan.
Lumilitaw din na si Sungkuan ay dating pulis- Valenzuela na nagpalipat sa Caloocan City Police.
Si Sungkuan ay may mga dating kaso ng pamamaril sa isang negosyante at sa isang bagong laya sa Valenzuela City.
Isa rin ito sa sinasabing scalawags at notorious policeman ng Valenzuela. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended