Co-host ng Eat Bulaga at miyembro ng Power 4 idedeport
July 12, 2003 | 12:00am
Isinasalang na ngayon ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang isang co-host ng noontime show na Eat Bulaga at isang miyembro ng Power 4 matapos na ang mga ito ay walang maipakitang kaukulang working permit.
Ayon kay Atty. Roy Almoro, executive director ng BID, nagpalabas na rin sila ng "mission order" upang agad na arestuhin sina Nadine Schmith na German national at Jeff Rodriguez na New Zealander dahil ang mga ito ay malinaw na undocumented alien.
Sinabi ni Almoro na labis na ang palugit na kanilang ibinigay sa dalawa upang magpakita sa kagawaran at magbayad ng P100,000 bilang multa sa paglabag ng Philippine Immigration Law.
Nabatid na ang dalawa ay pumasok sa bansa bilang mga turista kung kayat walang karapatan ang mga ito na magtrabaho sa bansa.
Samantala, kinukumpirma pa ng BID kung tunay ang pinanghahawakang petition for recognition ni Cindy Kurleto na co-host ng Masayang Tanghali Bayan na mula sa kanyang Filipinang ina.
Ipinatawag din ito ng BID dahil sa pagtatrabaho nang walang working permit. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest