^

Metro

P60-B bayarin ng DPWH sa mga contractors

-
Umaabot sa P60 bilyon ang bayarin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga small scale contractors at non-cash accounts mula sa taong 2002 hanggang 2003.

Ayon sa National Constructors Association of the Philippines (NACAP) at Philippine Contractors Association (PCA) kailangan na nila ang bayad ng DPWH dahil wala na rin silang pondo na magagamit sa mga susunod pang proyekto.

Anila, minamadali sila ng ahensiya na agad na tapusin ang proyekto subalit hindi man lamang sila nababayaran ng buo.

Sinabi naman ni DPWH Comptroller Serafin Recta, ang accounts payable ng ahensiya ay tinatayang nasa P5.4 bilyon samantalang ang current accounts naman ay umaabot sa P3.7 bilyon na may kabuuang P9.1 bilyon.

Binatikos din ng mga contractor na ang P200 milyon na ipinangako ng DBM ay para lamang sa mga mambabatas at hindi para sa pambayad sa mga contractors na nalilimutang bayaran ng DPWH.

Bunga nito, nananawagan din ang mga contractors kay pangulong Arroyo na bigyang pansin ang utang ng DPWH sa mga contractors upang maiwasang mabaon sa utang ang mga legitimate contractor sa bansa. (Ulat ni Doris Franche)

ANILA

AYON

BINATIKOS

BUNGA

COMPTROLLER SERAFIN RECTA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DORIS FRANCHE

NATIONAL CONSTRUCTORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE CONTRACTORS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with