Pintor, patay sa mga kidnaper

Isang 31-anyos na pintor na dinukot ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Si Ricardo Sibog, ng 1531 Tindalo St. Tondo, Maynila ay natagpuang patay dakong ala-1 ng madaling-araw sa harap ng bangketa ng PRIMEX sa Gov. Pascual St. Brgy. Catmon, Malabon City.

Ayon sa pulisya, isang Honda Civic na walang plaka ang nakita ng mga saksi na nagtapon sa biktima at mabilis na tumakas.

Nabatid naman sa asawa ng biktima na dalawang lalaki ang sapilitang kumuha dito noong Miyerkules kung kaya’t agad siyang nagreport sa pulisya.

Wala naman umano siyang alam na kagalit ng kanyang asawa na posibleng responsable sa pagpatay dito.(Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments