Singer, 3 pa sugatan sa karambola ng sasakyan
July 11, 2003 | 12:00am
Bunga ng kawalan ng Early Warning Device (EWD), tatlong sasakyan ang nagkarambola na nagresulta sa pagkasugat ng apat na katao na kinabibilangan ng singer na si Noel Cabangon at tauhan ni Ilocos Congressman Eric Singson kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Batay sa ulat ni SPO1 Reynaldo Patiag ng CPD-Traffic Sector 5, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Don Antonio Heights sa naturang lungsod.
Lumilitaw na unang nagkabanggaan ang mga sasakyan Honda Civic nina Cabangon, 39, at Venzon Malapira, 30, na staff ni Singson.
Habang nag-uusap ang dalawa, bigla na lamang bumangga ang Nissan Patrol ni Dr. Anastacio Dayrit III sa dalawang nagbanggaang kotse na naging dahilan ng pagtilapon nina Cabangon, Venzon at dalawang staff ni Singson.
Ayon kay Dayrit, hindi niya nakita ang nagkabanggaang sasakyan dahil sa walang anumang EWD kung kayat huli na nang maipreno niya ang kanyang kotse.
Samantala sa Maynila, tatlong driver naman ang malubhang nasugatan matapos na magbanggaan ang kanilang mga sasakyan kahapon ng madaling- araw.
Isinugod sa Ospital ng Maynila ang mga biktima na sina Elwi Ditag, John Mortel at Angel Sta. Maria matapos na magsalpukan ang mga sasakyan nito dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Remedios St. at Taft Avenue sa Malate, Maynila.
Nabatid na humaharurot ang Sturdy Bus Transit na minamaneho ni Ditag nang mawalan ito ng kontrol at mahagip ang mga sasakyang Honda CRV ni Mortel at Honda Civic naman ni Sta. Maria.(Ulat nina Doris Franche at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended