^

Metro

6 karnaper arestado

-
Anim na miyembro ng isang sindikato ng carnapping kabilang ang isang babae na bumibiktima ng mga rent-a-car company ang naaresto sa isang entrapment operation sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Michael Yutengco, 23; kapatid nitong si Ingrid, 25, ng Quezon City at Jericho Bonus, 27; Jerry Legaspi; Paul del Rosario at Darwin Sangson.

Ayon sa ulat, nagrenta ang grupo ng isang puting Toyota Altis sa Hannan Rent-A-Car sa may Buendia, Makati City na pag-aari ni Mohammad Qweder, isang Jordanian national. Hindi na ibinalik ng grupo ang naturang kotse.

Isinunod na biniktima ng mga suspect ang Assad rent- a-car sa Antonio Village sa Makati na pag-aari ni Edith Qweder, kapatid ng naunang biktima.

Base sa deskripsyon ni Mohammad, nakilala ni Edith ang mga suspect kaya hindi ibinigay ang nirerentahang kotse at sinabing idedeliber na lamang ito.

Agad na humingi ng tulong sa pulisya si Edith kung saan isinagawa ang entrapment operation.

Isinagawa ang entrapment operation sa magkapatid na Yutengco at Bonus sa Kamias, QC, kung saan idineliber ang isang Toyota Altis sa mga suspect. Nagtangka pang tumakas ang mga ito nang paharurutin ang kotse ngunit nasakote rin ng mga humahabol na pulis sa kahabaan ng España, Maynila. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIO VILLAGE

DANILO GARCIA

DARWIN SANGSON

EDITH QWEDER

HANNAN RENT-A-CAR

JERICHO BONUS

JERRY LEGASPI

MAKATI CITY

MAYNILA

TOYOTA ALTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with