Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Sheryl Bautista, 23, ng Brgy. Agojo, ng nabanggit na bayan sanhi ng tinamong maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nadakip naman ng pulisya ang suspect na pinsan na si Aried Kelly Omar Carandang, 23, ng Barangay Talangka, Sta. Maria, Laguna.
Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Danilo Gervacio na naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw nang puntahan ng suspect ang biktima sa bahay nito at pilit na humihingi dito ng perang pambili ng droga.
Tumangging magbigay ang dalaga at dahil dito ay nagalit ang suspect na mabilis na kumuha ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.
Nagtangka pang tumakas ang salarin subalit agad din siyang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation. (Ulat ni Lordeth Bonilla)