Jinggoy hiling ibalik sa kulungan
July 9, 2003 | 12:00am
Hindi pa tapos ang away nina Jinggoy at Goma.
Inaasahang lalala pa ang iringan ng dalawang aktor matapos na hilingin ng mga fans ni Richard Gomez na ibalik sa kulungan si Jinggoy Estrada dahil sa pambabatok na ginawa nito sa kanilang idolo.
"Hindi dapat na hayaang pagala-gala si Jinggoy dahil mahilig itong manakit ng tao. Dapat siyang ibalik sa kulungan," sabi ng pangulo ng isang fans club ni Gomez.
Nakahanda umanong mag-people power ang lahat ng miyembro ng fans club ni Goma maibalik lamang sa kulungan ang kalaban ng kanilang idolo.
"Kung may mga loyalist ang pamilya ni Jinggoy, mayroon din kaming mga loyalist na miyembro na handang makipaglaban para sa aming idol," banggit pa nito.
Matatandaang muntik nang magbugbugan si Goma at Jinggoy noong isang linggo matapos na batukan ng anak ng dating pangulo si Richard dahil sa iringan sa isang basketball game ng Star Olympics na ginanap sa Ynarez gym sa Antipolo City.
Nagsimula ang gulo nang aksidenteng naitulak ni Bayani Agbayani ng Green team si Goma na player naman ng Orange team.
Kinalaunan, na-head butt ng bola ni Goma si Caloy Salvador. Sa puntong ito, agad na lumapit si Jinggoy at walang kaabug-abog na binatukan si Goma.
Nagsisigaw agad si Goma at tinanong kung sino ang bumatok sa kanya at agad namang umamin si Jinggoy.
Dahil dito, nagpormahan ang dalawa ngunit mabilis na naawat nina Philip Salvador at Rudy Fernandez na kapwa matalik na kaibigan ng dating alkalde.
Pansamantalang pinalaya ng Sandigang Bayan si Jinggoy mula sa dalawang taong pagkakabilanggo habang dinidinig pa ang mga kaso ng corruption na isinampa sa dating alkalde ng San Juan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended