^

Metro

Sindikatong namemeke ng pekeng resibo sa QC hall pinatutugis ni SB

-
Pinabubusisi ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang umano’y sindikato na namemeke ng mga resibo para sa bayarin ng transfer tax sa real estate transactions sa Quezon City Hall.

Ayon kay Belmonte, ang raket ng fake receipts ay nabuko nang magkaroon ng verification ang special team ng city treasurer’s office ng transfer tax payments para sa Land Registration Administration.

Nalaman ng naturang grupo ang iba’t ibang fake receipts na hindi dumadaan sa machine validation at ang bayarin para dito ay hindi natatanggap ng naturang departamento. Maging ang lagda ng treasurer’s office ay napeke rin.

Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte si Supt. Elmo San Diego, hepe ng city hall detachment na sampahan ng kaukulang kaso ang mga taong mapapatunayang sangkot sa sindikato.

Kailangan umano na sa lalong madaling panahon ay maputol na ang modus operandi ng sindikato dahil sa bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bansa dahil dito. Maging ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nabibiktima din ng naturang sindikato. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BELMONTE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CRUZ

ELMO SAN DIEGO

KAILANGAN

LAND REGISTRATION ADMINISTRATION

QUEZON CITY HALL

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with