Sunshine Dizon sugatan sa aksidente
July 4, 2003 | 12:00am
Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang young actress na si Sunshine Dizon makaraang bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa isang poste ng Meralco, kahapon ng madaling-araw sa mismong kaarawan nito sa lungsod ng Mandaluyong.
Si Dizon na eksaktong 21-anyos na kahapon nang maganap ang insidente ay nagtamo ng mga sugat sa ulo, leeg at bali sa ibat ibang bahagi ng katawan. Ito ay mabilis naisugod sa Mandaluyong City Medical Center ng isang tricycle driver na nakasaksi sa insidente.
Samantala, total wreck naman ang minamaneho nitong BMW na kulay itim na may plakang UHP-505 nang bumangga ito sa isang poste ng Meralco.
Batay sa ulat ni PO3 Roberto Dumagas, posible umanong nakatulog ang aktres habang nagmamaneho dakong alas-2 ng madaling-araw sa kahabaan ng Pioneer St. ng nasabing lungsod.
Nakalabas pa umano ng sasakyan ang aktres at humingi ng tulong. Eksakto namang dumadaan ang tricycle driver na si Romel Tingad na siyang nagsugod dito sa pagamutan.
Ayon kay Dorothy Dizon, ina ng aktres, nagpaalam umano sa kanya ang anak na may bibilhin lamang subalit labis siyang nag-alala dahil ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa ito bumabalik kaya minabuti niyang sundan ito hanggang sa makita nga ang kotse ng anak na bumangga sa poste.
Inilipat na sa Cardinal Santos General Hospital ang aktres para doon ipagpatuloy ang paggagamot sa kanya.(Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am