^

Metro

Mandurugas sa ATM, timbog

-
Dinakip matapos mabuking ang bagong modus operandi ng isang 31-anyos na sangkot sa pag-ipit sa mga perang wini-withdraw sa mga automated teller machine (ATM) sa aktong kinokolekta nito ang perang na-shoot sa inilagay niyang plastic sa loob ng naturang machine, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspect na si Roberto Sedelicio ng Maahas St., Los Baños, Laguna.

Nakilala naman ang pinakahuling biniktima nito na si Christian Dominique Sanchez, 23, ng Summit Ville, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa ATM ng Bangco de Oro sa sangay nito sa Ayala Alabang sa nabanggit na lungsod.

Binanggit ng biktima na nag-withdraw siya ng P300 subalit hindi lumabas ang kanyang pera, gayunman nang tingnan niya ang resibo ay nabawas naman ito.

Mabilis siyang nagsumbong sa guwardiya at doon niya nalaman na madalas umanong mangyari ang ganon sa naturang machine.

Ilang sandali pa ay lumutang na ang suspect na nagpanggap na magwi-withdraw sa ATM subalit nahuli ito ng guwardiya sa aktong kinukuha ang isang supot sa machine na doon na-shoot ang pera na winithdraw ng biktima.

Nabatid na ang modus operandi ng suspect ay maglagay ng plastic bag sa ATM na siyang humaharang sa lumalabas na pera kung kaya walang nakukuha ang mga nagwi-withdraw dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYALA ALABANG

BANGCO

BARANGAY PUTATAN

CHRISTIAN DOMINIQUE SANCHEZ

LORDETH BONILLA

LOS BA

MAAHAS ST.

MUNTINLUPA CITY

ROBERTO SEDELICIO

SUMMIT VILLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with