^

Metro

Holdap: 1 sekyu patay, 4 pa sugatan

-
Isang security guard ang napatay, samantalang apat pa ang nasa malubhang kalagayan matapos na makipagbarilan sa mga holdaper sa loob ng Ever Gotesco mall sa Commonwealth, Quezon City, kahapon ng umaga.

Patay na nang idating sa Fairview General Hospital ang biktimang si Gerardo Bernal ng Enriquez Security Agency matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan, habang nilalapatan naman ng lunas sa nasabi ring ospital si Philip Quintas at sa Gen. Malvar Hospital naman sina Constantino Mahilum, Agustin Tadeo at Pepito Fronda, pawang taga-Crescent Security Agency.

Ayon kay Chief Insp. Rodolfo Jaraza, hepe ng CPD-District Police Intelligence Unit, dakong alas-11:19 ng umaga nang pasukin ng anim na di-pa nakikilalang suspect ang Ever Gotesco na pawang mga armado ng matataas na kalibre ng baril at nakasuot ng disenteng damit.

Nang bumaba ang mga empleyado ng Asia Trust Bank dala ang dalawang duffle bag, agad itong inagaw ng isa sa mga suspect sabay tutok ng baril sa mga nabanggit na guwardiya.

Agad namang nagpaputok ng baril ang dalawa pa sa mga suspect na nasa labas ng mall at nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok na naging dahilan ng pagkamatay ni Bernal at pagkasugat ng apat pa.

Bago tuluyang tumakas, pinaputukan pa ng mga suspect ang Batasan side entrance hanggang sa tuluyan namang sumakay sa kanilang get-away car na Toyota Altis na may plakang XFV-405.

Makaraan ang ilang minuto, inabandona ng apat na suspect ang Toyota Altis sa Catbalogan St., Batasan at lumipat sa isang Starex van na hindi nakuha ang plate number.

Ayon kay Jaraza, may nasugatan sa mga suspect dahil na rin sa dugong naiwan nito sa Toyota Altis. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AGUSTIN TADEO

ASIA TRUST BANK

AYON

BATASAN

CATBALOGAN ST.

CHIEF INSP

CONSTANTINO MAHILUM

EVER GOTESCO

TOYOTA ALTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with