^

Metro

Swindler inaresto ng 'patay' na titser

-
Mismong ang binansagan niyang ‘patay’ nang titser ang dumakip sa isang ginang na swindler na ang modus-operandi ay mangolekta ng abuloy sa mga pumanaw na guro kahit na nga buhay pa ang mga ito sa lungsod ng Maynila.

Nasa kamay na ng mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Sheila Marie Yamson, 29, may-asawa at residente ng 8th Avenue, Caloocan City.

Personal na nagreklamo naman sa pulisya ang mga nabiktima nitong sina Josefa Eusebio; Zenaida Galang; isang retired teacher ng Holy Child School; Dian Calma, 21; Ma. Cecilia Eclepia, 21; Liza Santos, 21; Jane Llenum, 27, at Vanessa Florentino na pawang mga alumnus sa naturang paaralan.

Sa ulat ng pulisya, nadakip ang suspect dakong alas-9 ng gabi sa Magsaysay St. Tondo, Maynila.

Napag-alaman na nagbahay-bahay ang suspect at nangolekta ng abuloy sa pagkamatay umano ng gurong si Eusebio. Dala ng suspect ang isang solicitation letter na pirmado naman ng isang Estelita Santos, isang retiradong guro sa naturang paaralan.

Dahil sa kilala ng mga residente na karamihan ay nag-aral sa naturang paaralan ang sinasabing patay na guro kung kaya marami ang nagbigay.

Isa sa mga residente dito ang tumawag at nagkumpirma sa paaralan tungkol sa pagkamatay ni Eusebio kung saan nadiskubre nito na buhay na buhay pa ang sinasabing patay na guro.

Nakarating kay Eusebio na pinanghihingi siya ng abuloy kaya mabilis itong sumugod sa lugar at doon mismong siya ang dumakma sa suspect na patuloy pa rin sa pangongolekta ng abuloy. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CECILIA ECLEPIA

DANILO GARCIA

DIAN CALMA

ESTELITA SANTOS

EUSEBIO

HOLY CHILD SCHOOL

JANE LLENUM

JOSEFA EUSEBIO

LIZA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with