^

Metro

Mag-ama minasaker ng sikyu

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang security guard ang isang mag-ama makaraang maghiganti ang una sa matagal na nilang alitan ng huli, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Mabilis na tumakas ang suspect na nakilalang si Ricky Lozada matapos ang isinagawang krimen.

Samantala, kapwa hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Parañaque Community Hospital ang mag-amang biktima na nakilalang sina Antonio, 51, at Ronnie Devecion, 24, ng Palasan St., Barangay San Dionisio, ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ang mag-ama ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Odeo Carino, naganap ang insidente dakong alas-7:50 ng gabi kamakalawa sa may Palasan St., Barangay San Dionisio.

Nabatid na magkasamang nakatayo ang mag-amang biktima nang biglang sugurin at pagbabarilin ng suspect na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Napag-alaman na may dati nang alitan ang suspect at ang matandang Devecion at posibleng paghihiganti ang motibo sa isinagawang krimen.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN DIONISIO

COMMUNITY HOSPITAL

DEVECION

LORDETH BONILLA

MABILIS

ODEO CARINO

PALASAN ST.

RICKY LOZADA

RONNIE DEVECION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with