^

Metro

Delivery boy dinedo dahil sa pulutan

-
Dahil sa katakawan sa pulutan, isang delivery boy ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kainuman kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Manila Sanitarium ang biktima na nakilalang si Alexander Decena, 19, matapos na magtamo ng tatlong saksak sa katawan.

Agad namang nadakip ng pulisya ang suspect na si Rolly Cababilago, 33, may-asawa at naninirahan sa Lot 14, Block 15 Golden Ville Subdivision, Sabang St. Dasmariñas, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa tapat ng 115 David St. Pasay City.

Habang nag-iinuman at kuwentuhan, hindi namalayan ng biktima na nauubos na niya ang pulutan na ikinagalit ng suspect hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Mabilis na kinuha ng suspect ang kanilang ginagamit na kutsilyo at sinaksak nang paulit-ulit ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALEXANDER DECENA

CAVITE

DAHIL

DAVID ST. PASAY CITY

GOLDEN VILLE SUBDIVISION

LORDETH BONILLA

MANILA SANITARIUM

PASAY CITY

ROLLY CABABILAGO

SABANG ST. DASMARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with