14-anyos nasawi sa bumagsak na billboard
June 29, 2003 | 12:00am
Nasawi ang isang 14-anyos na estudyante matapos na aksidenteng mabagsakan ito ng higanteng billboard ng Victory Liner dahil sa malakas na ihip ng hangin, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Sapol sa batok bukod sa nagtamo pa ng malulubhang sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Leomar Sevilla, 2nd year high school ng Navotas High School at residente ng #27 Quintas St., nabanggit na bayan.
Base sa nakalap na ulat, dakong alas-3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng compound ng Victory Liner na matatagpuan sa Rizal Avenue Extension, Caloocan.
Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang bigla na lamang umihip ang malakas na hangin na naging dahilan upang kumalas ang billboard na nakasabit sa may gawing itaas ng kinatatayuan nito.
Ayon sa salaysay ng ilan sa mga nakasaksi, hindi na nagawa pang makailag ng biktima dahil sa labis na pagkabigla at malakas na pagkakabagsak ng billboard sa mismong ulo nito na siyang naging dahilan ng maaga nitong pagkasawi. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am