^

Metro

Trader inatake sa puso sa akyat-bahay

-
Isang negosyanteng Intsik ang natagpuan matapos itong iwanang nakatali ng goma ang bibig, kamay at paa ng mga nanloob sa kanyang tindahan kahapon ng hapon sa Quezon City.

Nakagapos ng electric wire ang mga kamay at paa samantalang nakatali naman ng makapal na goma ang bibig nang matagpuan ang bangkay ni Johnny Go King, 72, may-ari ng Unison Hardware sa may Ermin Garcia St., Cubao, QC.

Agad namang nakatakas ang mga di-pa nakikilalang suspect na hinihinalang mga miyembro ng "Salisi Gang".

Batay sa inisyal na ulat ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Isa umano sa mga suspect ang kumatok sa tindahan ni King upang magpanggap na bumibili ngunit nang buksan ng biktima ang pinto ay sapilitang pumasok ang mga salarin saka iginapos ang biktima.

Matapos na malimas ang di-pa mabatid na halaga ng salapi at alahas ng biktima ay agad na nagsitakas ang mga suspect.

Nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima nang bumili sa tindahan ng matanda ang tricycle driver na si Rolando Albano at nakitang nakahandusay ang Intsik. (Ulat ni Doris Franche)

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

ERMIN GARCIA ST.

INTSIK

JOHNNY GO KING

QUEZON CITY

ROLANDO ALBANO

SALISI GANG

UNISON HARDWARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with