^

Metro

Colonel 'protektor' ng 15-30 cops,pinaiimbestigahan

-
Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ang isang mataas na opisyal ng Western Police District (WPD) dahil sa sumbong sa PNP Text 2920 sa pagiging protektor umano nito sa mga 15-30 cops at mga bogus na pulis na kanyang pinagkukunan ng malaking halaga.

Ipinalabas ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong ang naturang memorandum laban kay Supt. George Gaddi, hepe ng Personnel Division at Task Force Divisoria.

Ang naturang aksyon ay ginawa ni Bulaong matapos makatanggap ang PNP Camp Crame ng sumbong sa pamamagitan ng Text 2920 tungkol sa umano’y raket ng naturang pulis sa 15-30 cops.

Ayon sa source sa WPD, raket umano ni Gaddi ang pagkakaroon ng alaga na kunwari ay isasalang sa training o schooling para maging pulis ngunit ang mga ito ay nagtatrabaho sa mga pribadong tanggapan kung saan malaking porsiyento sa kanilang suweldo ay napupunta dito. Bukod dito, hawak din umano ni Gaddi ang mga lehitimong pulis na pumapasok lamang tuwing a-kinse at katapusan. Malaking porsiyento rin umano ang tinatanggap dito ni Gaddi.

Ipinag-utos ni Bulaong na agad na isumite sa kanya ang resulta ng imbestigasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BULAONG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

GEORGE GADDI

PEDRO BULAONG

PERSONNEL DIVISION

TASK FORCE DIVISORIA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with