Driver na nakabangga ng paslit,pinupog ng taumbayan,patay
June 28, 2003 | 12:00am
Hindi na binuhay ng taumbayan ang isang jeepney driver nang kuyugin ito matapos na makabangga ng isang 2-anyos na paslit, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Namatay noon din dahil sa tinamong palo sa ulo at saksak sa katawan ang driver na nakilalang si Benjamin Omanito, 47, ng Anonas St. Sta. Mesa, Maynila.
Patuloy na kinikilala at pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga kalalakihan na nagtulung-tulong na nakapatay sa driver na biktima.
Hindi na rin mahagilap pa ng mga imbestigador ang nasagasaang bata matapos tangayin at ayaw nang paimbestigahan ng mga kaanak nitong Muslim sa pulisya.
Sa ulat ng WPD Homicide Division, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa harapan ng Manuel L. Quezon University sa kahabaan ng Arlegui St. sa Quiapo.
Bumibiyahe sa naturang lugar si Omanito nang mahagip nito ang hindi nakilalang paslit na biglang tumawid sa kalsada.
Agad itong nakita ng mga kalalakihang suspect at mabilis na pinupog ang driver. Hindi ito tinigilan hanggang sa kanilang mapatay.
Patuloy ang ginagawa pang imbestigasyon ng pulisya ukol dito at ang pagkilala sa mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am