May busal din ang bibig at nakagapos pa ang biktimang si Abraham Tagulao, ng 1217 Don Pepe St., Barangay Sto. Domingo ng nasabing lungsod nang matagpuan ng mga residente.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang makita ang bangkay ng biktima sa Calamba St. sa Barangay Sto. Domingo na may nakasabit na placard na dito nakasulat ang mga katagang: " huwag tularan, pusher na, holdaper pa!- vigilante".
Natagpuan din sa tabi ng bangkay nito ang isang plastic bag na naglalaman ng mga drug paraphernalia at shabu.
Ayon sa mga testigo, isang Nissan Sentra ang nagbaba ng bangkay sa lugar at saka mabilis na tumakas. (Ulat ni Doris Franche)