Iranian national dinukot sa loob ng mall
June 27, 2003 | 12:00am
Hindi nagarantiyahan ng seguridad ng isang mall ang kaligtasan ng isang Iranian national matapos na dukutin ito ng tatlong hindi nakikilalang suspect kabilang ang isang babae, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang dinukot na biktima na si Shahram Bayat, 33, dentista at pansamantalang naninirahan sa Cabangcalan St., Mandaue City,
Ayon sa ulat naganap ang pagdukot dakong alas-6 ng gabi sa harapan ng Isetann Mall sa Sta. Cruz ng naturang lungsod.
Sinabi ng biktima na isang kaibigan umano ang kanyang kakausapin sa loob ng naturang mall at habang hinihintay niya ay lumapit sa kanya ang isang babae kasunod na ang kasamang dalawa pang lalaki na palihim siyang tinutukan ng baril.
Isinakay ang biktima sa isang kotse at saka piniringan sa mata. Dinala umano ito sa isang bahay at doon nilimas ang dala niyang US $380; P10,900 cash at Panasonic cellphone na nagkakahalaga ng P21, 500.
Nagtalo pa umano ang mga suspect kung ipapa-ransom siya ngunit nagpasya na palayain na lamang siya dahil sa malaking halaga na ang nakuha sa kanya.
Matapos ang may 17 oras na pagkabihag, inilabas siyang muli ng mga suspect, isinakay sa kotse at saka ibinaba sa hindi mabatid na lugar. Humingi na lamang siya ng tulong sa mga residente na siyang nagturo sa kanya sa istasyon ng pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am