Base sa 25-pahinang desisyon ni Judge Ramon Makasiar ng RTC branch 35 na bukod sa habambuhay na pagkabilanggo pinagbabayad din nito ng halagang P5 milyon ang akusadong si Hsieh Tien Chang dahilan sa paglabag sa Section 15 ng Republic Act 6425.
Lumalabas sa rekord ng korte na naaresto ang akusado noong Nobyembre 9, 2001 sa Maynila sa isinagawang buy-bust operation.
Base sa rekord ng korte, si Chang ay nasamsaman ng may kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P250,000.
Pinabulaanan naman ito ni Chang na nagsabing gawa-gawa lamang ng mga awtoridad ang lahat.
Gayunman, hindi tinanggap ng korte ang alibi ng akusado dahil na rin sa matibay ang ebidensiya na iniharap ng state prosecutor sa isinagawang mga pagdinig. (Ulat ni Gemma Amargo)