^

Metro

Habambuhay hatol sa Taiwanese drug trafficker

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa isang Taiwanese matapos itong mapatunayang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot dalawang taon na ang nakakaraan.

Base sa 25-pahinang desisyon ni Judge Ramon Makasiar ng RTC branch 35 na bukod sa habambuhay na pagkabilanggo pinagbabayad din nito ng halagang P5 milyon ang akusadong si Hsieh Tien Chang dahilan sa paglabag sa Section 15 ng Republic Act 6425.

Lumalabas sa rekord ng korte na naaresto ang akusado noong Nobyembre 9, 2001 sa Maynila sa isinagawang buy-bust operation.

Base sa rekord ng korte, si Chang ay nasamsaman ng may kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P250,000.

Pinabulaanan naman ito ni Chang na nagsabing gawa-gawa lamang ng mga awtoridad ang lahat.

Gayunman, hindi tinanggap ng korte ang alibi ng akusado dahil na rin sa matibay ang ebidensiya na iniharap ng state prosecutor sa isinagawang mga pagdinig. (Ulat ni Gemma Amargo)

GAYUNMAN

GEMMA AMARGO

HABAMBUHAY

HSIEH TIEN CHANG

JUDGE RAMON MAKASIAR

LUMALABAS

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

NOBYEMBRE

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with