1 patay, 4 nalason sa bulok na harina
June 25, 2003 | 12:00am
Isa ang namatay habang apat pang empleyado ang iniulat na nalason bunga ng bulok na harina sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhang kompanya kamakalawa sa Quezon City.
Nasawi habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang biktima na si Allan Jaingga, 29, stay-in sa Millery Corp. sa #102-104 E. Rodriguez Ave., Libis, QC, matapos na makalanghap ng bulok na harina.
Habang nasa kritikal na kondisyon naman sina Bryan Paul Cerafica, 21, dahil hindi pa rin ito nagigising at kasalukuyang inoobserbahan sa ICU ng QMMC.
Ligtas naman sa tiyak na kamatayan sina Melchor Covita, 32; Benedicto Acosta, 32; at Wenceslao Lumibao, 31.
Ayon sa QMMC Medical ICU head nurse Ronald Venzon, bumaba ang limang biktima sa imbakan ng harina ng kompanya alas-8:30 ng umaga.
Binuksan nila ang isang sako na naglalaman ng bulok na harina at nalanghap ng mga biktima hanggang sa makaramdam ng pagkahilo. Agad na dinala sa ospital ang lima subalit binawian ng buhay si Jaingga. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am