^

Metro

Lotto winner kulong sa murder

-
Inaresto ng mga tauhan ng Marikina City police ang isang lotto winner na itinuturong utak sa isang kaso ng murder na naganap kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang suspect na lotto winner na si Luisito delos Reyes, na sinasabing nanalo ng P38 milyon sa lotto noong Setyembre ng nagdaang taong.

Dinakip si delos Reyes makaraang isigaw ng unang nadakip na hired killer na si Ramil Gonzales, 36, ng Pulilan Bulacan na umano’y siyang nag-utos sa kanya para patayin ang isang Johnny Tuano, 31, ng Parkland Subd., Brgy. Malanday, Marikina City.

Batay sa ulat, naganap ang pagpaslang kay Tuano dakong alas-2 ng madaling- araw sa loob ng Bong-Bong Billiards na matatagpuan sa Jocson St., Barangay Malanday.

Nakatambay umano doon ang biktima ng dumating ang suspect na si Gonzales at walang habas na pinaulanan ng putok ng baril ang una. Pitong tama ng bala ng baril ang tinamo ni Tuano.

Hinabol ng mga tambay ang suspect at inabutan.

Sa isinagawang interogasyon isinigaw nito na inupahan lamang siya ni delos Reyes para patayin si Tuano. Ito rin umano ang nagbigay ng baril sa kanya para sa isasagawang krimen.

Agad na isinagawa ang pagdakip kay delos Reyes na hindi naman nagbigay ng anumang komento tungkol sa pagsasangkot sa kanya sa krimen.

Hindi pa rin mabatid kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.

Kapwa nakakulong at sasampahan ng kaukulang kaso sina delos Reyes at Gonzales.(Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY MALANDAY

BONG-BONG BILLIARDS

EDWIN BALASA

GONZALES

JOCSON ST.

JOHNNY TUANO

MARIKINA CITY

PARKLAND SUBD

REYES

TUANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with