MMDA enforcer, GRO grabe sa 3 sekyu
June 23, 2003 | 12:00am
Isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos itong pagsasaksakin ng tatlong security guard dahil sa lamang sa kanilang paboritong Guest Relation Officer (GRO) sa isang videoke bar kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Nakikipaglaban ngayon kay kamatayan ang biktima na nakilalang si Laurel Bongha, 29, sa East Avenue Medical Center (EAMC) matapos na magtamo ng tatlong saksak sa katawan.
Nagtamo din ng saksak sa braso si Elea Esparez, GRO habang tinatangka nitong awatin ang biktima at ang mga suspect.
Kasalukuyan namang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspect na sina Domingo Gonzalo, 25; Adrian Bruso, 26 at Alex Sagaha, 26, habang inihahanda ang kasong homicide.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kasalukuyang ka-table ni Esparez si Bongha sa Tobs Disco Pub sa Pinatubo St. Cubao nang dumating ang mga suspect.
Agad na nagalit ang mga suspect nang malaman nilang naunahan sila ni Bongha sa serbisyo ni Esparez.
Nilapitan ng mga suspect si Bongha at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang huli.
Tinangka ni Esparez na awatin ang mga suspect subalit aksidenteng tinamaan siya ng saksak sa braso.
Natigil lamang ang pananaksak ng mga suspect nang makitang bumagsak sa semento si Esparez. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended