Sinabi ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos sa kanyang inihaing resolusyon na ilang computer schools sa bansa ang isinama sa blacklist ng mga eskuwelahan dahil sa kakulangan sa technical at communication skills.
Lumabas aniya sa isinagawang survey ng Digital Filipino, isang research site sa internet na isang dahilan kung bakit nagkukulang ang ilang computer schools sa pagtuturo ay dahil sa pagkuha ng mga bagong graduates na walang experience bilang mga teachers.
Inihayag din ni Dr. Jaime Caro, chairman ng Virtual Center for Technology Innovation in Information Technology (VCTI-IT) na ilang computer schools ang hindi nakakasunod sa minimum requirement ng CHED tulad ng pagtuturo ng principles of operating systems.
Ilan aniya sa mga naturang eskuwelahan ay hindi nagtuturo ng principles of operating systems kundi Windows 95 o DOS subjects lamang.
Ibinunyag pa nito na maging ang pinakabagong programming technologies at methodologies ay hindi rin naituturo sa ilang eskuwelahan. (Ulat ni Malou Escudero)