P800-M remittance ng PNP sa AFPSLAI nawawala?
June 22, 2003 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang isang grupo ng mga pulis-Maynila sa pamunuan ng PNP na ilabas na ang may 800 milyon na halaga ng remittance ng mga pulis sa buong bansa para sa buwan ng Disyembre 2002 sa isang government loan institution.
Sa isang dokumento ng Manilas Finest Brotherhood Association Inc. sinabi ng grupo na patuloy na hindi naaksiyunan ang nawawalang P800 milyon na dapat ay naka-remit sa AFPSLAI.
Napag-alaman na hindi nai-remit ng PNP Finance Division ang naturang halaga simula pa noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Isa sa inireklamo ng mga pulis ay hindi na sila mapayagan ng AFPSLAI na makapag-loan muli dahil sa rekord na non-remittence ng isang buwan na ang PNP Finance ang may kasalanan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended